Saturday, April 23, 2011

@angbatangkalye.tumblr.com

Nabasa ko na halos ng blogs mo sa word press. Regarding sa birthday mo, 'wag na sad. Naramdaman ko na din 'yan pero wala namang nangyayaring maganda sa'kin. Kaya eto, positive na lang. Wala namang mangyayari kung parati akong bitter araw-araw. Buti ka pa nga nasa Bataan lang tatay mo eh. Pwede mo pa siyang mapuntahan. Eh, ako? Milya milya ang layo. 13 birthdays na wala ang tatay ko. Parati na lang nanay ko kasama ko madalas, wala pa siya sa bahay dahil napaka busy niyang tao. Tska kung wala mang handa, hayaan mo na, pagkain lang 'yun. Bakasyon kasi birthday mo eh. Kahit di mo naman birthday pwede ka namang maging masaya. 'wag mong sabihin na sana mamatay ka na. Every gising is a blessing. Ang daming taong gustong maextend ang buhay. Ang daming tao na gustong mabuhay si AJ Perez pero ikaw gusto mo mawala ka na? 'wag naman ganun. Pano naman ang mga taong gustong mabuhay ka pa? Pano pa tayo lalakwatcha sa Maynila kung gusto mong mawala ka na? Tska 'yung pressure na nararamdaman mo dahil cum laude ate mo, kaya mo din 'yun! =) sabi ba naman ng kuya ko "samasnan mu keng college ka. ika ing akakit kung gumraduate with flying colors." kumusta naman 'yun? ang hirap maging bunso nu? sana kayanin natin. 'wag ka nang malungkot. hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan. mag pray tayo parati at always think positive and SMILE! =))

No comments:

Post a Comment